Panandalian.
Nakalimot akong muli. Halos isang buong araw na nakalimot.
Kahit sandali lang ay nagawa kong kalimutan ang lahat-lahat. Ang mga bagay-bagay na halos ilang buwan nang bumabagabag sa akin at halos walang tigil na gumugulo sa aking isipan ay nagawa kong kalimutan.
Ang aking atensyon ay inilaan ko lamang kung sa anu-anong bagay at hayun, nakalimot ako saglit.
Subalit ngayon, heto na naman. Muling nagbabalik ang lahat ng lungkot sa akin. Lahat ng mga nangyayari’y unti-unting naaalala, humaharap sa akin ang realidad na pilit kong iniiwasan at tinatalikuran.
Kahit sandali lang kailangan kong makalimot muli.
At kung maaari ay manatili na lamang akong ganoon, sa aking isipan ay huwag na sanang bumalik ang mga bagay na nais kong kalimutan. Ang lahat ng iyon ay nais ko na lamang ibaon sa limot, at sana’y hindi ko na maalala pa.
Subalit imposible. Basta. Imposible.
Source: akosidareen